May pagkabingengot ang mga Pinoy. Kaya mahilig tayo sa mga pangalang inuulit tulad ng Nene, Toto, BekBek, TonTon para matawag natin ‘yung tao ng dalawang beses. Noynoy naman ang tawag sa akin noong panahong ang titi ko ay tinatawag pa lang na ‘little bird’ at di pa ko tinutubuan ng kilo-kilong pubic hairs. Ang ibig sabihin ng Noynoy sa Bicol ay ‘bunsong makulit’. Dahil sa pilosophy sa psychology na ‘your name determines your destiny’, unconsciously I have lived by my name’s meaning. Sa lebel ng kakulitan, andun siguro ako in between the thin line of being genius and insane. Genius ‘kuno’ dahil marunong na ako in terms of serious decision-making tulad ng anong uulamin sa umaga. One time, five years old ako ng pinabili ako ng tuyo sa tindahan nina Aling Mameng. Dahil wala silang tuyo, nagpasya akong tumawid sa super highway para bumili na lang ng itlog sa tindahan nina Aling ‘Marunong Managalog’. Gulat sina Papa saka Mommy. Though bumilib yata, pinag-promise ako na ‘wag na ‘wag ko na daw uulitin ‘yung pagtawid sa super highway. Minsan naman pinabili ako ni Lola ng mantika. Dahil gusto kong bumili ng babol gam, inihian ko ’yung supot saka binalik sa kanya. Malabo na rin ang mata ni Lola kaya hindi napansin agad. Siguro nung kumukulo na ’yung ’mantika’ saka lang naamoy na mapanghi pala.
At dahil na rin siguro sa kakulitan ko, kung anu-ano pa ang binansag sa akin. Iba pang ’pet peeves’ sa akin ay ’little monkey’, ’kulaspiro’, ’pulungkutoy’, at ’kutitubs’, ewan ko ba parang mga pangalan ng mga bagong recruits ng kampon ng kadiliman. Siguro lang sa sobrang tuwa o inis kaya kung anu-ano ang pinapangalan sa akin. O dahil may pagkalaitera din ang Mommy ko noon, ako ’yung nakatanggap ng bad karma. Mahilig magpangalan si Mommy ng mga kapitbahay namin tulad ng Rositang Ulikba, Lusing Duling, Anita Laki-Mata, Tersing Bad Breath, atbp. May kagandahan kasi si Mommy no’n, pero ngayon, pag nagkakaroon ng katuwaang ’intellectual debate’ sa bahay at natatalo na si Kuya, nandadaya at tinatawag niya si Mommy ng Tina Dalawang Ipin. Foul ’yun sa debate dahil isa itong logical fallacy [ano’ng kinalaman ng ipin sa legitimacy ng presidency ni GMA?], ‘yun ang sinasabing argumentum ad hominem [o argument directed to the person]. Siyempre hurt si Mommy, at maglilitanya na naman na wala man lang siyang anak na gustong mag-isponsor ng kanyang ngipin. [Nag-drama na, lagot].
Aside from the fact na nakukyutan ang mga Pinoy sa mga salitang inuulit ang daglat sa mga pangalan ng tao, pati private parts pinagkatuwaan din. Andiyan ang kili-kili, bulbol, pekpek, titi, suso, dibdib, atbp. Nung childhood years ko, tinatakot ako ng mga kapatid ko na paglaki ko, dahil nga ang pangalan ni papa ay Manolo at ako’y junior, ang magiging tawag sa akin ay Uncle Mani-Maning. Asar ako dahil katunog ng parte ng female genitalia. Magiging buzzword ang aking pangalan sa mga sex education classes:
Teacher: Class, what do you call the part at the upper portion of the pudendum and between the labia majora and labia minora?
Class: Mani-Maning!
Hindi na lang sinagad-sagad ang pagiging bahagi ko ng female genitalia. Clit na lang kaya pangalan ko? O Fellatio kaya.
Mommy: Fellatio, anak, nag-igib ka na ba ng tubig?
Me: Hindi pa po Mommy, nakapila pa po kasi si Kuya Cunnilingus saka ate Syphillis.
Nakng baog na dilis naman ‘to.
Sa psychology, may mga existing research na nagsasabing ang pangalan ng tao ay nag-dedetermine ng kanyang kinabukasan. Ang mga may pangalang patawa tulad ng Inday Bote, Potenciana, o Maximiana ay nagiging inferior o lower ang status sa society. Ang mga cool namang pangalan ay mas mahaba ang buhay ng 3-4 taon [pangalang Love, Joy, Sunshine] kumpara sa mga pangalang kahindik hindik tulad ng Candido, Gollum, Ismigol, atbp. Ang mga may pangalang Ana, Elizabeth o Emma ay less likely na kukuha ng engineering o mathematical courses di tulad ng mga pangalang Abigail, Ashley atbpang less feminine names. Ang mga may pangalang likeable ang tunog ay mas mataas ang binibigay na grade kaysa sa ibang less-likeable ang pangalan na kapareho lang naman ang galing. Hmm… kaya siguro mababa grades ko.
*Pahabol: Sa aking mga cute na prens sa blogroll, may bago na akong tahanan: kwentongbarbero.com. paki-update na lang ako sa inyong blogroll. Tenk u marami!
