Quantcast
Channel: kwentongbarbero.wordpress.com » Kwentong Tambay
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8

Crazy People Don’t Know That They Are Crazy

$
0
0

Madaling ma-stress out ang babae in terms of relationship issues.  Sinugod kasi sa bahay si BebeKo kagabi ng isang babaeng may sayad at hindi niya alam na may sayad.  Convincing kasi ‘yung babae.  Asawa daw niya ako at matagal na niya akong pinaghahanap.  Kung saan saan na siyang lupalop napadpad sa kahahanap sa akin.  May kasama pang galit galit epeks sa harap ng mala-diyosa kong asawa at sinabing ilabas daw ako.  Hayblad si BebeKo, nawala ang pagiging psychologist, kaya nilabas naman ‘yung kitchen knife saka chopping board, balak yatang gawing sizzling adobo chunks ‘yung claimant.  Turns out, may tililing ‘yung babae, naisip ko baka napagtripan siguro ng mga sunog baga boys sa kanto na ako ang itinuro.  Tapos na ang gulo at explanations pero nahirapan pa rin akong lambingin si BebeKo.  Outside the kulambo na naman.

Hindi na bago sa akin ang mga taong maluluwang ang turnilyo.  All through out our lives with MyBebe, napapaligiran na kami ng mga ‘yan.  Sa mental hospital ang apprenticeship ni BebeKo nung college.  Kakaiba nga panliligaw ko kasi pag nagka-cutting class ako, tinutulungan ko siya na magpakain ng mga pasyente.  Sa paliligo, nakikita ko na de tabo ang pagpapaligo pero dun sa mga silent aggressive types, binubuksan yung garden hose saka itinututok na lang.  Sabay na ring malilinisan ‘yung kulungan nila.  Two in one.  Tawag nila sa akin noon ay Dadi Cesar Montano at si BebeKo ay si Charlene Gonzales.  [Minsan lang magsabi ng totoo ang mga baliw kaya pagbigyan niyo na ako].  Nagpapakyut pa lang ako nun, karibal ko na sa atensiyon ang mga baliw.  Meron ’yung nagpapakyut ako kay BebeKo,  biglang agaw eksena ‘yung isang baliw tapos pinakita ‘yung titi niya tapos nagtikol pa sa harapan  namin.  Bad trip talaga.  Madapacking sheet, kung di ka ba naman magulat sa ganun, pero si BebeKo sanay na.  Sa psychology, huwag daw kutyain o kagalitan agad.  To do that  can be more damaging to their self image.  Self image?  E kung matamaan ang mata ko sa pagpusitsit ng sperm nung gagong ’yun, mabulag pa ako.  Pero dapat daw pinagsasabihan na lang  din na parang normal na tao. 

Naisip ko tuloy kung paano ko ipe-phrase ’yung sasabihin.  “Okay, puwede bang pagkatapos mong magsalsal diyan, umalis ka na sa harapan namin?”. 

Minsan naman, hiningan ako ng barya nung isa, toll gate daw.  Binigyan ko naman.  Malay ko bang lulunukin nung tarantadong ’yun. [Hehe!  Nakaganti rin ako].   Binabawi ko sabi niya di na daw pwede.  Bangko daw siya, hintayin ko na lang daw magkainteres.  

 Before, pag namamasyal naman kami sa public places, naaawa si BebeKo sa mga baliw kaya binibigyan niya ng pagkain.  Okay lang ’yun, ang ayaw ko lang ’yung niyayakap pa niya. Nagsasalubong kilay ko lalo na pag ako’y under matapobre-mode.  Kulang na lang dalhin niya sa salon tapos ipa-relax pa ’yung buhok saka ipa-pedicure ang paa.   Ipinapaunawa naman niya sa akin na walang gamot ang pagkabaliw dahil hindi organic ‘yung cause ng pagkabaliw.  The only thing she could do is give them love and care to bring them back to their senses.    Iniisip ko na nga rin minsan, kaya niya lang siguro ako ginusto ay dahil may pagka-sira ulo din ako [self-pity na ‘to].  Though she assures me, “Be, kung natanggap ko ‘yung pagiging malikot mo, ‘yun pa kayang pagiging sira ang ulo mo”.  Sabay kurot sa tagiliran.  Ayos.  Balik na naman sa kwarto ito. 



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan