Sanay akong matulog na naka-dekwatro habang hinihigan ng ulo ang dalawang palad. Parang nagpapa-aircon ng kili-kili sabi ni BebeKo. Lakas mang-asar nun. Dagdagan na lang daw ng konting armpit hairs, pekpek na pekpek na daw ang tambok ng kili-kili ko. Samantalang nagigising ako nang madaling araw, nakasiksik naman sa akin, sa kili-kili ko pa. Enjoy na enjoy sa amoy. Ha! Ha! Di ko alam kung kelan ako nagsimulang mahiga ng ganito. Siguro nung panahong nagsasama na kami. Sabi ng BebeKo who is a psychologist by profession, sleeping positions reveal the personality of a person. There are six (6) basic sleeping positions:
1. Parang Beybi. Nakatagilid na parang fetus in a crouched position. ‘Yung mga taong ganito matulog ay tough on the outside, pero shy and sensitive naman in the inside.
2. Tuod Style. Naka-outstretch ang paa na parang kahoy at ang arms ay nasa gilid lang ng katawan. Ang mga taong ganito matulog ay sociable and easy-going. They always want to be part of the ‘‘in’’ crowd. Ayaw na ayaw nila ng naa-out of place.
3. Namamalimos. Pa-side matulog. Naka-outstretch ang paa at ang dalawang kamay ay naka-stretch na parang namamalimos. Ganito matulog ang mga taong very open ang nature, pero suspicious sa iba.
4. Sundalong Kanin. Flat ang pagkakadaupang ng likod ng katawan sa higaan. Arms on the side. Ang mga taong natutulog na parang sundalo ay mga tahimik at reserved. They have a very high standards.
5. Tulog pa-Aircon ng Kili-Kili. Naka-stretch ang paa kala mo sa kanya ang buong higaan. Ang dalawang palad ay nasa gilid ng ulo o kaya’y hinihigan. Ito ang sleeping position ng mga may pagkamahangin saka gregarious. (Yehey! Di naman sinabing ganito matulog ang mga malilibog). They are sociable and bold but they don’t like criticisms.
6. Buyangyang na Tulog. Kung ang No. 5 ay kala mo sa kanya ang buong higaan, ito naman kala mo pag-aari nya ang buong universe. Walang pakelam kung anong position nakahilata. Free form ika nga. Ang mga natutulog ng pabuyangyang ay ang mga taong good listeners saka madaling makagaanan ng loob. Beri prenli.
Not necessarily na isang position lang ang tulog mo. You can be a combination of any of the six basic positions. Pero once na nasanay ka na sa ganung position ng pagtulog, you rarely change it. It’s like a hard habit to break.
